Saturday, May 31, 2008

Ayab Story


November 15, 2006 nagsimulang magtayo ng isang maliit na balsa itong si Lalaki, sa patuloy nyang pagsagwan may nakilala syang isang lalaki na kapareho nya ng pananaling kaya napagkasunduan nilang ipagisa ang mga kahoy na ginamit sa kanilang mga balsa, upang makagawa ng isang barko para makagawa ng isang mas malaki na barko at makasama ng iba pang mga kasapi. Sa isang di sinasadyang pagkakataon mula sa isang napakalayong isla, may isang dalaghita na sumama sa kanila, sa bangkang ito nagkakilala si lalaki at si babae, dahil sa pareho sila ng interes.

Si lalaki ay nagmula pa sa malayong probensya ng Pangasinan samantalang si Babae ay nananahan sa Houston, Texas, milya milya ang layo, dagat ang pagitan. Ngunit hindi ito nagging hadlang upang mamuo ang pagmamahalan sa dalawang ito. Nang umuwi sa pilipinas si babae, nagkakilala sila, at nabighani sa isa’t isa, nung nakilala ni babae si Lalaki, animoy’ isang batang nakakita ng clown sa party nya. Samantalang si Lalaki tuwang tuwa naman kapag nakikita nyang dahil sa kanya, nabubuo ang isang makislap at nakakasilaw na ngiti mula kay babae.
Isang bawal na pagibig ayon sa iba, marami nagsasabe masyado pa raw bata si Babae, sagot ni lalaki, “eh ano ngayon tatanda din naman sya eh” , ngunit sinasagot sya ng “bakit ikaw hindi ka ba tatanda”, maraming mga akusasyon at mga immature na paghuhusgang naririnig mula sa kugn sino sino man. Bukod sa pagiging magkalayo nila, yugn kwestion sa edad at sa pagkakaiba ng stado ng pamumuhay, at bukod pa dito ay si Babae ay nakatira sa kabilang daku ng daigdig, at si lalaki ay sa kabilang daku ng daigdig kung saan sya ay nangangapa pa sa dilim.


Kahit ano man ang sitwasyon hindi ito nagiging hadlang para kay lalaki na patuloy na mahalin si babae at umasang balang araw ay magkakasama din silang dalawa, maiintindihan silang dalawa ng lahat ng tao sa paligid, at wala nang makikialam sa kanilang pagmamahalan.
Ikaw ba naman ang makahanap ng nagiisang babaeng nagbigay sa iyo ng halaga at importansya, kahit lagi ka inaaway . Wala paring papantay sa babaeng ito, na itinuturing na pinakamalaking perlas sa buhay ni lalaki. At hindi sya magsasawang magaantay ng pagkakataon at panahon na dumating ang araw na kanilang pinakahihintay.


Habang patuloy sila sa pamamangka, para sa kanilang pinaka mamahal at iniidolong bata, patuloy silang magmamahalan, dagat man ang tawirin, malaking mga buhawi at tsunami man ang magdaan sa kanilang landas, dahil sa pagmamahal na nagpapalakas sa kanila, ipagpapatuloy ang nasimulan, sa pagasang makakarating din sa paroroonan….

>>> Itututloy.. Abangan ang susunod na kabanata!

No comments: